The Ex Files

← Back to Letters
💌

Anonymous

2 weeks ago
To my beloved jhaymer, Minahal kita nang buo. Hindi kalahati. Hindi may tira para sa sarili ko. Araw-araw, binigay ko ang lahat ng kaya ko. Tahimik akong umintindi kahit nasasaktan na ako. Pinili kong manahimik para lang hindi ka mabigatan. Pinili kong maghintay kahit wala kang sinasabi. Pinili kitang unawain kahit ako na ang nauubos. Bawat beses na lumalayo ka, mas lalo akong lumalapit. Bawat beses na tinutulak mo ako, mas kinapitan kita. Kahit masakit. Kahit malinaw na ako lang ang lumalaban. Hinayaan kitang kunin ang mga parte ko. Ang oras ko. Ang lakas ko. Ang tiwala ko. Ang sarili ko. Pinabayaan kong kainin mo ako unti-unti. Hanggang sa wala nang natira. Hanggang sa pagod na pagod na akong magmahal. Hanggang sa hindi ko na alam kung sino pa ako kapag wala ka. Binalewala ko ang sarili kong sakit para lang mapanatili ka. Tinuruan ko ang sarili kong magtiis. Sinabi ko sa sarili ko na okay lang, kahit hindi na. Ginawa ko ang lahat para maramdaman mong ligtas ka sa akin kahit ako na ang nasasaktan. Binaba ko ang mga pader ko para sa'yo. Binuksan ko ang puso ko para sa'yo. Hinayaan kitang makita ang lahat ng kahinaan ko. Habang ikaw, nanatiling sarado. Minahal kita kahit umiiyak ako mag-isa. Minahal kita kahit pakiramdam ko wala na akong halaga. Minahal kita kahit unti-unti mo akong inyubos. Kinuha mo ang mga bagay na dapat sa akin. At' iniwan mo akong walang-wala.
Ito ang klase ng pagmamahal na hindi agad pumapatay pero dahan-dahang inuubos ang loob. At kahit ganon... mahal pa rin kita. Kahit ako na ang nawala