The Ex Files

← Back to Letters
💌

Anonymous

3 days ago
This is an open thoughts or maybe not because I always tolded you this but for you walang sense at hindi mo iniintindi. Gusto kung malaman mo na bago ako umayaw marameng beses kung pinalampas ah hinayaan na yung pag sasawalang bahala mo everytime na nagsasabi ako ng saloobin ko sayo pag ayoko yung ginagawa mo o pag galit at nagtatampo ako sayo. Dahil kahit ano pang kuda at sabihin ko sayo wala kang action na ginagawa para palubagin ang nararamdaman ko, walang assurance, pag may nagawa ka na ayaw ko at nagalit ako wala ka man lang gagawen to the point na nasasabi kuna sayo na maghiwalay na tayo wala ka parin gagawen na para bang okay lang sayo na mawala nako sayo, hindi ko pa naramdam na natakot kang mawala ako sayo, kahit ang puno't dulo ng lahat e ang maling nagawa mo, ending ako pa ang ma pride at oa na sasabihan mo. Gusto ko lang sabihin na hindi ako magagalit at mag a-act ng bagay na hindi maganda kung wala naman talagang mali sa ginawa mo. Bago ako umayaw at sumuko ng tuluyan sayo marameng beses kitang pinatawad sa action mo na pag sasawalang bahala sa mga saloobin, nararamdaman at hinanakit ko sayo kahit na wala ka naman ginagawa para mapatawad kita, pinapatawad nalang kita ng kusa at pinapalampas ko nalang dahil ayoko na mag end ang relasyon natin as long as kaya ko, tinitiis ko yung ganiyan para lang hindi tayo mag hiwalay kase mahal kita at ayoko na maghiwalay tayo. Sating dalawa ako lang ata ang takot na mawala ka sakin, kaya hinahayaan ko na paulit-ulit mong baliwalain yung mga bagay na sinasabi kung nasaktan moko sa part na yun. Sometimes naiisip ko na baka kasalanan ko talaga kase hinahayaan lang kitang walang gawen pag galit ako or may hindi ako gusto sa ginawa mo, baka ako talaga may kasalanan kaya nasanay ka na walang pake at walang ginagawang action para maging okay tayo. Yung pinaka masakit na part alam mo yung kaya mo akong tiisin na hindi kausapin kahit ilang araw pa yan, kaya mokong tiisin. Mas magaan ba kapag hindi
mo ako kausap? kaya ganoon nalang sayo na hindi gumawa ng paraan para mag kaayos tayo everytime na hindi tayo okay. Alam mo dati pag hindi lang kita mareplyan ng ilang oras agad-agad nandito ka sa bahay tapos pag nag a-away tayo pupuntahan moko para ayusin, but during highschool pa yata yan pero ngayon halos okay nalang sayo na hindi tayo mag connect pag hindi tayo okay. 3days, or maybe a week kaya mong hindi makipag usap sakin or mag reach out, kung hindi lang ako mag chat or papansin sayo ng anything na messege wala hindi tayo mag uusap at magiging okay, ako nalang ba laging gagawa ng paraan para maayus yung tampuhan, away at hindi pag kakaintindihan. Minsan lagi kung nasasabi na nakakasawa at nakakapagod pero alam mo kahit sa sarili mo hindi ako kailan man sumuko. Pero parang ngayon lang ata ako susuko. Hindi mo nga siguro kasalanan kung bakit ganiyan maybe nasaakin din dahil sinanay kita na ganiyan, na walang gagawen at ako ang kikilos para maging okay tayo, ako yung mag papapansin para mag karoon ng communucation between us pag hindi tayo okay. Alam mo ba pag hindi tayo okay at matagal tayo hindi nag uusap, hinihintay ko na mag reach out ka sakin o puntahan moko para makipag ayos at pag usapan yung bagay na hindi pag kakaunawaan. Pero wala kang ginagawang action, dapat ako muna ang mag papansin at reach out sayo bago tayo maging okay:'(. Minsan naiisip ko kung ngayon na girlfriend mo ako nakakaya mona yung mga bagay na ganiyan pano nalang kaya kung asawa mona ako, or maybe hindi mo parin ako na kikita bilang magiging asawa mo. Lahat ng sinabi ko hindi para sabihin o iparating at iparamdam sayo na ako ang perfect sa relation natin, bagkus gusto ko malaman mo na masakit saakin na ganiyan ka.
I don't deserve this, I really do not deserve this. I deserve someone who give a sh*t on how my feelings is.
But if I'll continue to tolerate you, at hayaan ka lang na paulit ulit na ganoon, and make me feel that, I say I really deserve it.
I just want to be appriciate, I just want you to show to me that you care.

Also I wanted you to know that I appriciated you! everything you did for me even if its a small thing! I really appriciated that, I cherish that. To be honest, when you did something for me I felt loved. I just wanted you to know na pag kinukwento kita sa mga nakakasama ko when they're asking me kung anong klase kang bf, lagi kitang pinamamalaki, I'm proud to tell to them how lucky I'am to be with you.
Grateful ako sa lahat ng ginawa mo para sakin, hindi kona ma-isa-isa lahat ng ginawa mo para sakin, basta ang alam ko thankful ako sa lahat ng yon.

For how many years we've been together, marami na tayong napag daanan na hindi ganoon kadali, may mga times na toxic, may mga times na kala ko wala na talaga, but still we've remained strong.

Gusto ko rin mag sorry sa lahat ng mali kung nagawa at nasabi sayo. You know how I really don't mean it.

Ang dame kupa sanang gustong sabihin pero baka hindi mo naman basahin lahat at unawain e. Kaya okay na siguro yan. I hope unawain mo at magkaroon ng sense sayo.

Goodluck sa buhay na tatahakin mo at sana lahat ng pangarap mo matupad mo.
Basta lagi mong tatandaan ang nag papakumbaba siya ang itinataas, ang nag mamataas siya ang ibinababa. Magpaka humble ka lang.

Thank You.