Wahh hi wel, finally i have a faith to write this message, and allowed yoy to read it.
Ganiyan ka lang naman eh. Ang dali para sa'yo sabihin na you care, na you value what we have, na special ako sa'yo. Pero hanggang doon lng. You love the idea of loving me, pero hindj mo kayang panindigan. You're comfortable with the feeling. With the kilig, with the late night talks, with the shared moments. Pero pag dating sa totoong commitment? Biglang ang daming dahilan. Biglang hindi pa ready. Biglang complicated. Ang dami na nating pinag samahan. Mga araw na halos tayo nlng magkausap. Mga inside jokes na tayo lng nakakaintindi. Mga pag kakataon na ramdam ko na may "Tayo" - hindi lng basta casual. May connection. May understanding. Alam mo kung kailan ako tahimik pero may iniisip. Alam ko kung kailan ka stressed kahit hindi mo sabihin. And don't tell me na wala lang 'yun. Hindi yun wala.
Pero nasaan ako sa'yo? Ano ako sa buhay mo? Bakit parang hanggang moments lng tayo, pero walang direksyon? Bakit prng okay na sa ganito - walang label, walang paninindigan. Wlang klaro? Ako yung nandito, pero hindi mo kayang sabihin na gusto mo ako. Parang safe choice mo lang ako sa likod ng kurtina.
Minsan napapaisip ako, hindi ba ako ganon ka mahal mahal? Kulang ba ako? May mali ba sa akin? Kasi kung gusto mo talaga ang isang tao, hindi ba automatic na gusto mong i-pursue? Hindi ba dapat proud ka? Hindi ba dapat mas gusto mong maging sigurado, mas maging malinaw? Hindi 'yung parang optional lang ako sa'yo.
Siguro kasalanan ko rin. Nag expect ako. Umabot ako sa point na naniniwala ako sa "maybe" naniniwala ako sa mga sinabi mong "babawi ako", inintindi kita. Binigyan kita ng space. Pero habang ikaw chill lng. Ako 'yung unti-unting nasasaktan. Ang hirap maging in-between. Hindi nmn tayo. Pero hindi rin hindi. Hindi kita matawag na akin, pero umaasa ako na baka balang araw maging akin ka. Nakaka pagod din pala maging akin ka. Nakakapagod din pala maging ganito. Sweet pero hindi sure.
Hindi ko nmn hinihingi na magmadali. Ang gusto ko lng naman, panindigan. Clarity. Yung alm ko kung saan ako lulugar. Kasi ang sakit pala na ibigay mo yung oras mo, yung effort mo, yung feelings mo - tapos hindi mo pala ako priority. Parang ang dali sayo na mag stay sa comfort. Pero ang hirap para sa'yo na mag take ng risk para sa'kin. At oo, siguro kasalanan ko rin kasi hinayaan kong umabot sa ganito. Hinayaan kong mag stay sa crumbs. Hinayaan kong masanay sa bare minimum basta ikaw. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ako karapat-dapat. Hindi ibig sabibin nun na hindi ako worth ipaglaban.
Kung hindi mo kayang panindigan, sana naging honest kana lng from the start. Huwag mo nalang sana akong pinasok sa mundo mong puro almost. Kasi ako. Hindi ako almost mag mahal. Buo ako mag mahal. At kung hindi mo kayang tapatan yun, sana sinabi mo nang mas maaga.
If you can't choose me out loud, then don't expect me to stay in silence.