P.s: listen to "your universe" by Rico Blanco while reading this😋🤟🏻
Thank you talaga kasi naging kaibigan kita, lagi akong nagtthank you kay lord kasi nakilala kita. Basta tandaan mo lang na greatful ako kasi nabuhay ka sa mundong 'to. 'wag na 'wag mong iisipin na walang taong nagpapasalamat dahil nabuhay ka — parang pinatay mo na rin ako n'yan!!
Hindi ko man laging nasasabi sa'yo — pero sobrang thank you talaga. Gusto ko 'tong isa isahin kasi sobrang deserve mo talaga 'to. Thank you kasi naglalaan ka ng oras para pakinggan or basahin yung mga rants ko kahit marami kang ginagawa — na kahit sobrang haba niyan, babasahin mo pa rin talaga. Thank you kasi lagi mo kong nililibre no'n, kahit hindi naman kita nililibre. Thank you kasi natitiis mo pa rin ako, alam ko namang hindi ako very open na tao pero okii lang sa'yo, at willing kang mag wait kung kelan ako ready na mag open. Thank you kasi never mo kong jinudge sa childish behavior ko. Thank you kasi dahil sa'yo natutunan kong mag open sa isang tao — natutunan ko na hindi lahat ng tao ijjudge ako kasi ganito ugali ko, na kahit napaka moody ko — hindi ka pa rin napapagod na intindihin ako. Thank you kasi pinaramdam mo sakin na oki lang na magsabi ako sa'yo ng mga problema ko. Sobrang thank you kasi pinaramdam mo na safe place ka at pwede kong sabihin sa'yo yung past ko. Super gaan sa pakiramdam nung nasabi ko sainyo yung nangyari sakin dati, kasi first time kong may kapag sabihan kung ano ba talaga ganap sa buhay ko before ako maging ganito.
Hindi man ta’yo masyadong open sa isa't isa ngayon since lagi tayong busy and walang time para sa ganong bagay — always remember lang na nandito pa rin ako lagi para sa'yo, hindi naman ako mawawala rito. Ako pa rin ang number 1 basher at supporter mo. Nandito lang ako lagi para makinig sa'yo, para sabihin sa'yo na oki lang maging hindi okii minsan, okii lang magpahinga pag napapagod ka na. Okii lang ipakita sa ibang tao na nahihirapan ka na — oki lang manghingi ng tulong pag hindi mo na talaga kaya. Basta nandito lang ako for you.
‘wag ka ring masyadong magpa ka-stress sa acads mo, alam kong mahirap tanggapin pero totoo yung kasabihan na “grades doesn't define who you are”. Sabi nga nila “Your grades are a reflection of your dedication, not a measure of your intelligence”. ‘wag mong masyadong ipressure ‘yang sarili mo, if you get a low score, that's okii — marami pang chance para mabawi mo yung mababang score na ‘yon. ‘wag ka ring maiinggit sa mga taong magaling sa isang bagay — hindi ka man magaling kagaya nila sa bagay na ‘yon, marami pa namang ibang bagay na magaling ka. Don't pressure yourself to be better at something para lang masabi na tulad ka rin nila na magaling sa ganito ganiyan. Lahat naman tayo may iba't ibang uniqueness at talent. Learn to accept na hindi sa lahat ng bagay kailangan magaling tayo.
Lagi mong tatandaan na meron kang friend na willing mag-effort at gawin lahat for you. Bakit ka magssetle for less kung sa mga kaibigan mo pa lang pinaparamdam na sa'yo na kamahal mahal ka? Lagi mong tatandaan na hindi ka mahirap mahalin — kung nahihirapan man silang mahalin ka, baka hindi talaga sila yung taong deserve mo, baka hindi talaga nila deserve ng pagmamahal mo. Pero bago ka magmahal ng iba, mahalin mo muna yung sarili mo. Tanggapin mo sa sarili mo na hindi sa lahat ng bagay tama yung nagiging desisyon mo. Tanggapin mo na hindi mo kailangan maging magaling sa lahat ng bagay. Tanggapin mo na hindi mo kailangan iplease yung ibang tao para mahalin. ‘wag mong ipressure yung sarili mo pag may nagagawa kang mali, hindi naman tayo perpektong tao para maging tama sa lahat ng bagay. Basta tatandaan mo na mahalaga ka, lagi mong iisipin na may mga taong thankful kasi nakilala ka nila.