The Ex Files

← Back to Letters
💌

Anonymous

2 days ago
Dear Jhustin
hi, this might be the last letter I will do for you hmm, we had the shortest time sobrang ikli para sakin non, pero yun na pala yung pinakamahabang oras na pwedeng ibigay ng universe satin. Alam nating magulo, hindi perfect at puno ng pagkakamali yung relationship natin but we also knew that what we had was real, everything was real. Alam ko naman na minahal moko, hindi naman ako tanga ramdam ko naman sa bawat hawak mo, yakap, halik at tingin mo sakin na minahal mo ako at mahal na mahal kita. Alam ko naman na kung may choice lang tayo, tulad nga ng sabi mo kung alam lang natin na this isn't the right time for us, sana hindi na muna pala natin sinugal, sana hindi na sayang yung chance sana inayos muna yung kailangan ayusin para pag okay na pwede na tayo. Siguro what pains me is the fact we know we match, we had the same vibes we share the same thoughts and we laughed at the same jokes, we knew our relationship could go further if we only met at the right time. Kaso hindi, maling mali ang panahon and that hurts. I appreciate you for still fighting for it, for us. Now we are living under the different city, diff province, diff places far from each other. universe made its own way para hindi na tayo mag kita kahit gustong gusto kitang makita. Jhus wala akong panahon para sukuan ka. I still want you but i am too late, but i guess circumstances and situations calls for it. People said na madali lang makalimot dito kase hindi naman masyadong nagtagal, little did they know that this is the the hardest heartbreak i had, na kung sino pa yung mabilis lang sya pa yung mahirap kalimutan lalo na kung minahal mo. Jhus iloveyousomuch, Susubukan ko na, Susubukan ko na makalimot, na makausad, na hindi kana isipin pipilitin ko pero wala akong kayang ipangako ngayon, ang gusto ko lang ay maging masaya ka, deserve mo yan, kahit masakit, titiisin ko maging masaya ka lang. Hindi na ako gugulo, kakausap or tatawag. Pero kung maisipan mokong kausapin sasagot ako palagi, sa kahit anong oras.

-Haven